Muling ipinagpaliban ang clinical trial sa paggamit ng anti-parasitic drug Ivermectin para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa bansa.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Sec. Fortunato dela Peña, gagawin ang pag-aaral simula Setyembre 15 hanggang Oktubre 15 dahil sa nagpapatuloy na revisions sa mga protocols.
Aniya ipinagliban muna ng ahensiya ang pagsisimula ng trial upang masiguro ang pagsunod ng ilang mga protocols gaya ng appearance sa pagitan ng placebo at tunay na Ivermectin capsules na ibibigay sa mga partisipante.
Ilan din sa mga protocols na kailangang sundin bago ang pagsisimula ng trial ay ang clinical trial management system at coordination sa local government units kung saan gagawin ang trials.
“That is actually relatively shorter compared to other clinical trials. This is because of simultaneous recruitment, and the short duration of treatment. If we count by eight months, the trials will be finished by April (2022). But those conducting the clinical trials reported that if the recruitment is simultaneous and the duration of treatment is short, perhaps within six months it could be finished, by December we can have an analysis,” ani Dela Peña.
Ito na ang ikalawang beses na ipinagliban ang nasabing clinical trial.