-- Advertisements --
Ipinagpatuloy ng AztraZeneca PLC at Oxford University ang clinical trials ng kanilang bakuna laban sa coronavirus.
Ayon sa Federal University ng Sao Paulo, na siyang nagpapatakbo ng trials, mayroon ng 4,600 sa planong 5,000 volunteers ang nabakunahan na sa Brazil.
Wala aniyang naramdamang problema ang mga nabakunahan.
Galing sa Sao Paulo, Rio de Janeiro at Salvador sa northeastern state ng Bahia ang mga volunteers.
Magugunitang pansamantalang itinigil ng AstraZeneca ang kanilang globan trials matapos na magkasakit ang isang participants sa Britain.