-- Advertisements --
Natapos na ang clinical trials ng virgin coconut oil bilang alternatibong gamot sa COVID-19.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secratary Fortunato Dela Pena, isinagawa ang trialsa Santa Rosa Community Hospital sa Laguna.
Dagdag pa ng kalihim, nasa 57 na mga suspected at probable COVID-19 patients ang sumailalim sa trials.
Binigyan ang mga ito ng pagkain na naglalaman ang VCO habang ang kalahating bilang ng bilang ng mga pasyente ay hindi nilagyang VCO.
Inobsorbahan ang mga ito mula zero hanggang 14 at 28 days.
Inaasahan na lalabas sa susunod na linggo ang statistical analyst at pag-aaral ang isinagawa.
Bukod sa virgin coconut oil, sinimulan na rin ang clinical trial ng lagundi at isusunod na ang tawa-tawa.