-- Advertisements --

Nagawang matuldukan na rin ng New Orleans Pelicans ang dalawang sunod-sunod na panalo ng Cleveland Cavaliers nang kanila itong itumba sa score na 116-104.

Nanguna sa diskarte ng Pelicans (26-33) si Brandon Ingram na may 29 points, habang sa Cavs (17-42) naman ay si Collin Sexton ay nagbuhos ng 31 points.

miami heat NBA

Sa ibang games, ang Miami Heat ay nakabangon din sa kamalasan nang makabawi laban sa Dallas Mavericks, 126-118.

Binigo ng Miami ang mahalagang araw sana ni Luka Doncic na nag-birthday sa edad na 21.

Hindi naman hinayaan nina Jimmy Butler na nagbuslo ng 26 points at Duncan Robinson na nagtapos sa 24 na masayang pa ang kalamangan ng Heat (37-22) hanggang sa magtapos ang laro.

Si Bam Adebayo ay kumamada ng 14 points at 11 rebounds para sa kanilang ikatatlo pa lamang na panalo sa loob ng 10 games.

Labis naman ang panghihinayang ng Mavs nang magtala si Seth Curry ng career-high na 37 points, kasama na ang 8 for 9 sa 3-point area.

Samantala, dinomina ng Los Angeles Clippers ang laro upang ilampaso ang Denver Nuggets, 132-103.

kawhi leonard

Nagsama sama sa opensa sina Paul George na may anim na 3-pointers para sa kabuuang 24 points, si Kawhi Leonard na umeksena ng 19 points; sina Montrezl Harrell na nagbuslo ng 18 at 10 rebounds at si Lou Williams ay may 17 points kasama ang limang 3-pointers.

Ito na ang ikatlong straight win ng kompletong Clippers na hawak na ang 40-19 record.

Ang Denver naman ay hindi nakausad sa pareho ring kartada.

Ang Utah Jazz naman ay natuldukan na rin ang apat na sunod na pagkatalo nang walisin ang Washington Wizards, 129-119.

Dinala ni Donovan Mitchell ang team gamit ang kanyang 30 points para umusad ang Jazz sa 37-22 record.

Tumulong din naman sa kampanya sina Bojan Bogdanovic na umiskor ng 21 points at ang Fil Am na si Jordan Clarkson ay nagkasya sa 20 points mula sa bench.

Utah Jordan clarksons