-- Advertisements --

Minultahan ng NBA si Los Angeles Clippers forward P.J. Tucker ng $75,000.

Kasunod ito sa komento niya sa publiko na nais niyang lumipat sa ibang koponan.

Isinagawa ng 38-anyos ang pahayag ng makapanayam ito ng ilang mga mamamahayag.

Ito na ang mataas na ipinataw na multa kasunod ng $100,000 na ipinataw sa teammate nito na si James Harden noong Agosto sa parehas din na paglabag.

Si Tucker ay kabilang sa blockbuster three-team trade noong Nobyembre kung saan inilipat sina Harden at Tuckers mula Philadelphia 76ers patungo sa Clippers.