Bumida si Lou Williams mula sa bench ng Los Angeles Clippers upang pangunahan ang pagsilat sa Oklahoma City Thunder.
Ginulat ni Williams ang Thunder nANg magtala siya ng 40 points kung saan 19 dito ay ipinasok niya sa second quarter.
Sa ngayon abanse na si Williams bilang NBA’s career leader in points mula sa bench.
Maging ang 32 points ni Russell Westbrook ay walang nagawa at na-foul out pa ito habang may 53 seconds na lang ang nalalabi sa game.
Si Paul George naman ay minalas din na nagtapos lamang sa 15 points at na-foul din na may 3:49 oras pa ang nalalabi.
Maging si Steven Adams ay nakuha rin ang sixth foul sa final seconds.
Todo alburuto tuloy si George sa pagsasabing “bad officiating” ang nangyari na inabot sila ng 34 fouls.
Malaking tulong naman sa kampanya ng LA si Danilo Gallinari na nagtala rin ng 34 points .
Sa Martes ay haharapin ng Thunder ang Utah Jazz.
Ang Clippers naman ay makikipagtuos sa host na Boston Celtics.