Isinara ng Los Angeles Clippers ang kanilang practice facility makaraang mag-test positive sa coronavirus ang isang miyembro ng traveling party na patungong Orlando, Florida para sa NBA restart.
Ayon sa mga impormante, posibleng muling buksan muli ng Clippers ang pasilidad para sa workouts bago tumulak ang koponan patungong Florida sa susunod na linggo.
Una na ring nagsara ng pasilidad ang Denver Nuggets at Brooklyn Nets matapos may magpositibo rin sa kanilang mga staff sa nakahahawang virus.
Ang bawat teams ay pinapayagang magpadala ng grupong kinabibilangan ng 35 katao sa NBA campus sa Walt Disney World Resort bilang bahagi ng 22-team restart.
Ang No. 2 seed sa Western Conference na Clippers ang isa sa mga koponan na ikinokonsiderang madagit ang kampeonato ngayong season.