Mahigit dalawang linggo bago ang pagsisimula ng 2019-2020 NBA season kanya-kanya na ng hula ang ilang mga fans at eksperto kung sinong mga teams ang posibleng umangat.
Marami kasing mga koponan ang sinamantala ang off season upang palakasin ang kanilang mga line up.
Ayon sa ilang basketball experts, narito ang ilang mga teams na inaasahang babandera sa bagong season bilang mga title contenders.
Nangunguna raw dito ang Los Angeles Clippers dahil sa presensiya ng mga bagong players na sina Finals MVP Kawhi Leonard, Paul George at sina Patrick Beverley at Montrezl Harrell.
Pumapangalawa raw sa malakas na team ang Los Angeles dahil sa tandem na nina LeBron James at Anthony Davis na dinagdagan pa nina Dwight Howard at JaVale McGee.
Pangatlo naman sa listahan ang Milwaukee Bucks ni NBA MVP Giannis Antetokounmpo.
Nandiyan din ang Sixers nina Joel Embiid at Ben Simmons
Hinulaan din na pupuwesto ang Utah Jazz at ang Houston Rockets.
Magbibigay din lakas sa Rockets ang trio nina Westbrook, James Harden at veteran coach Mike D’Antoni
Ang opening ng bagong NBA season ay mangyayari na sa October 23, o araw ng Miyerkules sa Pilipinas.