-- Advertisements --

Inilagay muna sa 10 araw na quarantine ang Los Angeles Clippers point guard na si Lou Williams matapos na mabulgar na nagtungo pala ito sa isang strip club sa Atlanta.

Una rito, nagpaalam umano ang 33-anyos na si Williams na dadalo sa burol ng ama ng kaniyang kaibigan.

Pero lumutang ang larawan ng rapper na si Jack Harlow na kasama si Williams na naka-NBA facemask at may hawak na inumin habang nasa Magic city strip club.

Paliwanag naman ng Clippers player, kumain lamang sila ng isang kaibigan sa lugar at wala naman daw mga babaeng entertainers.

Ayon sa mga imbestigador dahil sa 10-day quarantine mabibigo ang tinaguriang reigning Sixth Man of the Year na makalaro sa unang dalawang games ng Clippers sa restart ng NBA.

Sa July 31 ay makakaharap ng Clippers sa isang inaasahang exciting game kontra sa Los Angeles Lakers at sa August 2 naman ay laban sa New Orleans Pelicans.