Pinamunuan ni Lou Williams ang Los Angeles Clippers tungo sa pinakamalaking postseason comeback sa kasaysayan ng NBA.
Ibinaon ni Landry Shamet ang isang go-ahead 3-pointer sa nalalabing 16.5 segundo upang makabangon ang Clippers mula sa 31-point deficit at payukuin ang Golden State Warriors sa Game 2, 135-131.
Kumubra ng nakabibilib na 36 points at 11 assists si Williams para sa dumayong Clippers.
Dahil dito, pantay na ang first-round playoff series ng dalawang koponan na mayroon nang tig-isang panalo.
Ang nasabing pagbangon ng Clippers ay dinaig din ang 29-point rally ng Los Angeles Lakers noong 1989 Western Conference semifinals kontra sa Seattle Supersonics.
Sumandal ang Warriors kay Stephen Curry na tumipon ng 29 points at naglagay sa Warriors sa 131-128 abanse sa nalalabing 58 segundo bago magpakawala si Shamet ng tira mula sa downtown.
Tila napilayan din ang NBA defending champions dahil sa pag-alis ni DeMarcus Cousins sa laro noong first quarter dahil sa leg injury.
Bunsod nito, malabo pa sa ngayon ang status ni Cousins para sa Game 3 na dadalhin naman sa Staples Center sa Biyernes.
“We changed a couple things offensively and defensively in the third on the fly. It worked out for us. But I thought it was our spirit more than anything,” wika ni Clippers coach Doc Rivers. “Just every single guy. I loved the end of the game.”