-- Advertisements --

Paborito pa ring mananalo bukas sa Game 7 sa Western Conference semifinals ang Los Angeles Clippers kontra sa Denver Nuggets.

Magaganap ang laro alas-nuebe ng umaga matapos ang Game 1 sa Eastern Conference finals sa pagitan naman ng Miami Heat at Boston Celtics (6:30AM).

Ayon sa Clippers, sa kabila ng nakakadismayang pag-collapse sa Game 5 at Game 6, positibo pa rin sila na uusad sa Western Conference finals upang harapin ang nag-aantay na Los Angeles Lakers.

Sinabi naman ng ilang analysts kung pagbabatayan sa mga players line up, ‘di hamak na “incredible talented” daw ang hanay ng koponan.

Kabilang sa sasandalan ng Clippers ay ang beterano at two-time MVP finals na si Kawhi Leonard na sana’y na rin sa pressure kahit pa ang Game 7.