-- Advertisements --

Kinailangang kumayod ng husto ng Los Angeles Clippers bago tuluyang igupo ang Cleveland Cavaliers, 110-108.

Muntik pang masilat ang Clippers nang bigong maipasok ni Fil-Am player Jordan Clark ang 3-point shoot sa huling segundo ng game na tumama lamang sa rim.

Aminado si coach Doc Rivers na nakahinga sila ng maluwag at swerte lamang at hindi pumasok ang pagtatangka ni Clarkson.

Ang Cavs (19-54) ay laglag na sa playoffs spot habang ang LA (43-30) ay naghahabol pa sa huling biyahe.

Nanguna sa Clippers si Danilo Gallinari na nagtala ng 27 points, habang sina Shai Gilgeous-Alexander ay may 16 at si Lou Williams ay humabol ng 15.

Sa kampo ng Cavs nanguna naman si Kevin Love na nagtala ng 22 points.

Sina Clarkson at rookie Collin Sexton ay nagbuslo ng tig-20 points.

Ang next game ng Clippers ay sa New York sa Lunes.

Haharapin naman ng Cavaliers ang Bucks.