-- Advertisements --
Kawhi George
George and Leonard/ IG post

Hindi maitago ni Los Angeles Clippers owner Steve Balmer ang kaniyang kasabikan at kasiyahan nang pormal ng ipakilala sina Paul George at Kawhi Leonard sa kanilang koponan.

Nadala ng kaniyang emosyon sa labis na kasiyahan si Balmer na ikinatuwa rin ng mga Clippers fans.

STEVE BALMER
Clippers President Steve Balmer

Maging sina Leonard at George ay hindi rin maitago ang pagtawa sa nasabing saya ni Balmer.

Tumatawa na lamang si Clippers coach Doc Rivers dahil sa excitement na dala ng kanilang pangulo.

Sa kaniyang talumpati sinabi ni Balmer na sa pagkuha nila ng dalawang manlalaro ay mayroong malaking tsansa na ang Clippers para makapasok sa finals.

Nagmistulang rally ang nasabing team press conference dahil sa hinikayat pa nito ang mga dumalo na tumayo at pumalakpak.