Balik na sa Los Angeles Clippers ang star swingman na si Paul George matapos na limang games din na nawala bunsod ng injury sa kanyang right elbow.
Pero minalas naman ang Clippers nang walisin lamang ng San Antonio Spurs sa score na 116-92.
Kung maalala si George ay hindi na naglaro mula Dec. 6.
Sa kanyang pagbabalik ay tumipa siya ng 25 points, 6 rebounds at 6 assists sa loob ng 30 minuto.
Nagbalik na rin ang Clippers center na si Serge Ibaka na hindi nakalaro ng dalawang games bunsod ng personal na kadahilanan.
Gayunman kulang pa rin ng players ang Clippers dahil wala ang starting power forward na si Marcus Morris Sr. bunsod sa health at safety protocols at ang backup center na si Isaiah Hartenstein na dumaranas ng left ankle sprain).
Ang kanila namang superstar na si Kawhi Leonard (ACL) ay hindi pa rin nakakalaro ngayong season dahil sa injudry.
Sa ngayon nasa 16-15 record ang LA at umangat naman sa 12-18 ang Spurs.