-- Advertisements --

Agad na nagpasiklab ang Los Angeles Clippers sa pag-uumpisa ng mga exhibition games ng NBA ngayong araw kung saan nagapi nila ang Orlando Magic, 99-90.

Namayani sa Clippers sina Lou Williams na tumabo ng 22 points, at Paul George na may 18 points.

Nag-ambag naman ng siyam na puntos si Kawhi Leonard.

Sumandal naman ang Magic kay Nikola Vucevic na may 18 points at 10 rebounds.

Umiskor ng 16 si Michael Carter-Williams, habang may 14 naman si Terrence Ross.

Sunod na makakatunggali ng Clippers ang Washington Wizards at Sacramento Kings.

Samantalang ang Magic ay haharapin ang dalawang Western Conference leaders na Lakers at Denver Nuggets.