Positibo pa rin daw ang Los Angeles Clippers kahit nasilat sila ng Denver Nuggets sa Game 6 para ma-extend ang serye hanggang Game 7.
Kapwa sinabi nina Kawhi Leonard at Paul George na hindi pa naman sila nasa “panic mode.”
Ang pahayag ng dalawang superstars ng Clippers ay kahit nag-collapse ang kanilang team sa huling dalawang laro.
“We still in the driver seat,” paliwanag pa ni George. “It’s not a panic mode.”
Kung ipaalala kanina, umabot pa sa 19 points ang kalamangan ng Clippers pero nahabol ito ng Denverhanggang sa 4th quarter.
Paliwanag pa ni Kawhi minalas daw ang kanilang mga tira sa 3rd quarter dahil hindi pumapasok.
Paalala na lamang ng two-time finals MVP sa kanyang mga teammates, dapat mag-all out game plan sila sa do-or-die game sa Miyerkules.
“Go out there and play hard and just make sure we know the game plan,” ani Kawhi.
Sinuman ang magwawagi ay haharapin ang nag-aantay na Los Angeles Lakers para sa Western Conference Finals.