CENTRAL MINDANAO – Pinasalamatan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr ang pagsasakatuparan na maipamahagi sa mga magsasaka ng bayan ang certificate of land ownership award o CLOA, patunay ng kanilang pagmamay-ari sa lupang kanilang sinasaka.
Ayon sa alkalde, kasabay ng Farmers Day Celebration August 15, 2019 sa kapistahan ng bayan, ipapamahagi ang CLOA.
Batay sa datos ng Municipal Assessors Office, mayroong457 mga magsasaka mula sa 18 barangay sa bayan ang tatangap ng nasabing CLOA.
Ibinahagi naman ni Magdiolena Esteban Municipal Assessor, na ang mga nabanggit na magsasaka ay sabay-sabay na dadalo sa Farmers Day at tatanggapin mula sa Municipal Agrarian Reform Office ang kanilang mga certificate na magpapatunay na sakanila na ang lupang kanilang sinasaka.
Samantala ang mga nabanggit na barangay ay ang sumusunod: Brgy. Aringay – 13 Beneficiaries, Brgy. Bangilan – 98 Beneficiaries, Brgy. Buluan – 2 Beneficiaries, Brgy. Cuyapon – 59 Beneficiaries, Brgy. Kayaga – 63 Beneficiaries, Brgy. Kilagasan – 7 Beneficiaries, Brgy. Lower Paatan – 27 Beneficiaries, Brgy. Magatos – 17 Beneficiaries, Brgy. Malanduague – 6 Beneficiaries, Brgy. Nangaan – 8 beneficiaries, Brgy. Osias – 4 Beneficiaries, Brgy. Pedtad – 43 Beneficiaries, Brgy. Pisan – 17 Beneficiaries, Brgy. Sanggadong – 5 Beneficiaries, Brgy. Simbuhay – 40 Beneficiaries, Brgy. Simone – 26 Beneficiaries, Brgy. Tamped – 13 Beneficiaries, at Brgy. Upper Paatan – 9 Beneficiaries.
Hinimok din ni Esteban ang iba pang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o sa MARO upang malaman ang estado ng kanilang lupang sinasaka.