Naging magarbo ang ginanap na closing ceremony ng 2024 Paris Olympics.
Isa-isang pumarada ang mga atleta ng iba’t-ibang mga bansa sa Staed de France kung saan dala-dala ng mga ito ang kanilang mga medalya.
Nagtanghal sa nasabing stadium ang mga local na artist at singer ng France gaya ng indie rock band na Phoenix at si Allan Roche na tumugtog ng piano habang nakalambitin.
Isa sa mga kapana-panabik na inabangan ng nanood ay ang paglilipat ng Olympic flag sa Los Angeles na siyang susunod na host ng Olympics 2028.
Bukod kasi sa pagpapasakamay ni Paris Mayor Anne Hidalgo ng Olympic Flag kay Los Angeles Mayor Karen Bass at ito ay dinala niya kay US gymnast Simone Biles habang nakatayo din sa harap si International Olympic Committee president Thomas Bach.
Matapos nito ay pinatugtog ang national anthem ng US an kinanta ni Filipino-American singer H.E.R. kung saan kinasabikang ng mga manonood ang paglabas ng Hollywood actor Tom Cruise na bitbit ang watawat ng Olympics bago tumalon sa taas ng Stadium.
Ipinagmalaki naman ni Paris Olympic organizing committee head Tony Estanguet na ang Olympics sa kanilang bansa ay may pinakamaraming audience size, attendance at decibel levels.
Dagdag pa nito na ang nasabing Olympics sa Paris ay nagtala rin ng dami ng mga ginanap na marriage proposals ng mga mag-sing-irog na nanood.
Kasabay din ng programa sa Paris ay naging star-studded ang pagtatanghal sa Venice Beach sa Los Angeles kung saan pinangunahan ng bandang Red Hot Chili Peppers, Billie Eilish, Dr. Dre at Snoop Dogg.
Sa nasabing Olympics sa USA ay siyang pang-apat na beses matapos ang 40 taon na una ay noong 1980 sa New York, 1984 sa Los Angeles at 1996 sa Atlanta, Georgia.