Iginiit ng MalacaƱang na ligal at constitutional ang pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng outlets ng lotto, Small-Town Lottery (STL), KENO, Peryahan ng Bayan at iba pang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming schemes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit verbal lang, ligal at hindi na kailangan ng dokumento ang direktibang ito ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Sec. Panelo, ang PCSO ay nasa ilalim ng Office of the President (OP) kaya may karapatan dito si Pangulong Duterte na suspendihin ang operasyon.
Nilinaw pa ni Sec. Panelo na pansamantala lamang ang PCSO closure hangga’t hindi nalilinis ito mula sa pagkakalugmok sa korupsyon.
Tiniyak din ni Sec. Panelo na sa takdang panahon, papangalanan ni Pangulong Duterte ang mga sangkot na opisyal na nagkamal ng bilyun-bilyong pisong kita ng PCSO.