CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagalak ngayon ng pulisya na ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng operasyon ng Philippine Charity Statistics Office (PCSO) sa buong bansa.
Ito ay matapos agad ipinag-utos ni Police General Oscar Albayalde sa lahat ng regional commanders na ipasara ang lahat ng gaming activities habang iimbestigahan ang kurapsyon na kinasangkutan ng ahensiya.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Regional Office (PRO-10) Director Police Brig Gen Rafael Santiago Jr na nagmistulang nabunutan sila ng tinik sa closure order ni Duterte sa PCSO gambling operations.
Inihayag ni Santiago na hindi na umano sila maiipit sa mga away ng mga negosyante na franchisee ng PCSO upang patakbuhin ang lotto at Small Town Lottery (STL) outlets sa mga syudad ug bayan nitong rehiyon.
Dagdag ng heneral na minsan sila pa ang tinitira ng publiko kung bakit hindi matigil ang illegal gambling games na karibal ng PCSO.
Magugunitang matapos ipinag-utos ni Duterte ang closure order,naitala na halos dalawang libo na pagkasara ng STL at lotto outlets sa buong rehiyon.