-- Advertisements --
Isasara ng Swedish clothing retail giant na Hennes and Mauritz (H&M) ang 350 stores nito sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ayon sa kompaniya na labis na naapektuhan sila sa coronavirus kaya nagpasya na silang isara ang 350 branches mula sa kabuuang 5,000 na stores nila.
Sa unang anim na buwan ng 2020 kasi ay ilang bilyon na ang nalugi sa kanila dahil sa maraming mga puwesto nila ay sarado.
Pinayuhan naman nila ang mga customers na mag-online shopping na lamang habang sarado ang mga physical stores.