-- Advertisements --
Ikinagalit ng ilang mga mamamayan sa Japan ang paglunsad ng shapewear brand ni Kim Kardashian West.
Ito ay matapos na ipinangalan ng reality star ang brand nitong Kimono Intimates.
Ayon sa mga Japanese na an nasabing trademark brand ay tila hindi pagrespeto sa traditional clothing ng Japan.
Ang Kimono kasi ay national dress ng Japan na isinusuot tuwing may mga special occasion mula pa noong 15th Century.
Puna pa ng ilang mga mamamayan ng Japan na ang nasabing clothing brand ay hindi naman kahalintulad ng damit ng Japan at kaya ginamit lamang nito ang pangalan dahil may “Kim” ito.
Noong nakaraang taon pa ay naghain na ng trademarks si Kardashian West sa “Kimono Body, “Kimono Intimates” at “Kimono World”.