Nakikitang paraan ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng tinatawag na cloud-based monitors at eSensors na makakatulong para makatipid ng pagkonsumo ng kuryente sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara ang krudo sa Pilipinas na ginagawang gasolina, diesel at LPG ay inaangkat kung kayat sumasabay itong tumataas kapag nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng krudo sa world market.
Aniya ang mataas na presyo ng krudo ay sa US at Australia ba mayroong sariling nakareserbang langis.
Paliwanag ni Guevaraa na ang first line defense ng bansa laban sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa buong mundo ay ang pagpapababa ng pagkonsumo ng kuryente.
Kung kayat inirerekomenda ng DOST bilang isa sa madaling paraan para matukoy ang mga nakokonsumong kuryente ng mga malalaking gusali at government buildings ay sa pamamagitan ng cloud-based monitors at eSensors.
Ayon pa kay Guevarra ang energy conservation ay napapababa ang babayarin sa kuryente at kapag bumaba din aniya ang kabuuang psgkonsumo sa kuryente sa bansa hindi gaanong malaki ang impact nito sa pagtaas ng presyo ng gasolina.