-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Magsasagawa na rin daw ng cloud seeding ang mga opisyal ng Department of Agriculture sa Negros Occidental dahil sa pinsalang dulot ngayon ng El Niño sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni provincial agriculturist Japhet Masculino na nakipag-ugnayan ang lokal na tanggapan sa central office nito para i-schedule ang cloud seeding sa ilang bahagi ng probinsya.

Batay sa inisyal na pagsusuri ng provincial agricultural office, tinatayang aabot sa P6-milyon ang halaga ng pananim na palay mula sa bayan ng Cauayan ang napinsala ng labis na tagtuyot mula Enero.

Para sa opisyal, makabubuti kung aagahan ng DA ang cloud seeding operation sa lugar dahil na rin sa banta na madagdagan pa ang bilang ng mga lugar na maaapektuhan ng El Niño.