-- Advertisements --

Nagbitiw sa puwesto si CNN president Jeff Zucker dahil umano sa pakikipagrelasyon sa senior executive.

Ayon sa 56-anyos na si Zucker, na siya ay nagkamali matapos na hindi nito isinawalat na mayroon itong nakarelasyon na katrabaho.

Nadiskubre ang pakikpagrelasyon ni Zucker sa kapwa empleyado habang iniimbestigahan ang sinibak na anchor nila na si Chris Cuomo.

Itinuturing si Zucker na most powerful media executive sa US.

Magugunting sinibak si Cuomo dahil sa pagtulong sa kaniyang kapatid na dating New York Governor Andrew Cuomo na nahaharap sa sexual harrasment.

Inihayag pa ni Zucker na nakatrabaho aniya ang nakarelasyon empleyado ng dalawang dekada at habang tumatagal ay doon namuo ang magandang pagtitinginan nila.

Kinilala ang nakarelasyon nito na si Allison Gollust ang executive vice president at chief marketing officer ng CNN.