Bumuhos ang well wishers para sa agarang paggaling ng kilalang Cable News Network (CNN) anchor na si Christopher “Chris” Cuomo matapos tamaan ng coronavirus.
Mismong kinumpirma ni Cuomo na nagpositibo siya sa COVID-19 sa pamamagitan ng social media.
Inamin din nito sa statement na nitong nakalipas na araw na exposed siya sa ilang katao.
Sa ngayon minabuti niyang naka-quarantine sa kanilang basement.
Sa kabila nito, tuloy pa rin daw ang pagpoprograma niya at kanina ay naiyak pa ito habang may ini-interview.
Ayon sa top anchor ng CNN, nakakaramdam siya ng “lagnat, pagkaginaw at hirap sa paghinga.”
Dasal naman nito na sana, ‘wag namang mahawa ang kanyang mga anak at asawa na kung sakali ay maituturing niyang masaklap na pangyayari.
Ang broadcast journalist ay kapatid ng New York Governor na si Andrew Cuomo na kinakaharap din ang malaking krisis sa lungsod na sentro ng pinakamaraming namatay sa deadly virus.
Naniniwala ang New York governor na dahil din sa pagiging journalist, isa ito sa trabaho na delikado dahil sa mga nakakasalamuha na iba’t ibang mga tao.
Chris Cuomo’s statement: