Naghain ng guilty plea ang dalawang kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.
Ito ay may kinalaman sa kasong fraud na inihain laban sa kanila at sa kontrobersyal na pastor.
Nabatid na ang paghahain ng guilty plea ay dahil pumayag ito sa isang plea agreements kasama ang United States Attorney’s Office sa California.
Kinilala ang mga ito na sina Amanda Estopare at Guia Cabactulan.
Inamin ng dalawa sa mga otoridad na sila ay sangkot sa visa fraud operation ng Kingdom of Jesus Christ.
Batay sa dokumento ng Korte, mismong si Amanda Estopare at Guia Cabactulan ang nag-oorganisa ng kasal sa mga miyembro ng KOJC sa ilang mamamayan sa US para makakuha ang mga ito ng permanent resident status.
Maaari namang patawan ng korte ang dalawa ng limang taong pagkakakulong at atasan na magbayad ng $250,000 na penalidad.