-- Advertisements --

Pumanaw na ang co-founder ng bandang Wings and The Moody Blues na si Denny Laine sa edad na 79.

Kinumpirma ng kaniyang asawang si Elizabeth Hines dahil sa interstitial Lung Disease (ILD).

Taong 1971 ng tumulong siya para mabuo ang banda kasama sina Paul at Linda McCartney.

Ang nasabing banda ay unang banda ni McCartney matapos na humiwalay ito sa The Beatles.

Sa taon din iyon ay inilabas nila ang unang album nila na “Wild Life” at matapos ang isang taon ay inilabas ang “Red Rose Speedway” na ikalawang album noong 1972 kung saan naging number 1 ang kanta nito “My Love”.

Nagwagi ang banda sa Grammy bilang best pop vocal performance by duo, group o chorus noong 1975.