CAGAYAN DE ORO CITY – Kumpiyansa ang pamunuan ng kompanyang Metro Pacific Waters at nabuong Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated (MetroPac-COBI) na malinis at nakasunod sa anumang probisyon ng batas ang kontrata ukol sa 30-year contract sa pagitan ng Cagayan de Oro Water District (COWD) sa Cagayan de Oro City.
Kaugnay ito sa isa pang resolusyon na inihain ng city council na hinikayat ng city government ang Commission on Audit (COA) magsagawa ng imbestigasyon upang tukuyin kung mayroong anomaliya sa pinasok na kontrata ng COWD at COBI na pinag-ugatan ng kontrobersya sa kasalukuyan.
Sinabi ni Atty. Roberto Rodrigo,senior legal counsel ng kompanya na bagamat ipinaggigiitan ng pamahalaang-lokal na depektoso at disbintaha para sa interes ng mga konsumante ang kontrata subalit dumaan ito ng matikuluso na pag-uusisa ng Local Water Utilities Administration (LWUA) at mismong Office of the Government Counsel (OGCC) taong 2017 pa.
Inihayag ni Rodrigo na handa nila i-depensa ang porma at laman ng kontrata dahil pinag-aralan ito ng husto ng mga nasangkot na mga partido.
Magugunitang nakaamba ang persona non grata declaration laban sa kompanya kung mabigong makumbinse ang city government sa basehan ng COBI at Rio Verde Water Consortium Incorporated temporary shutdown dahil bigo ang COWD pagbayad ng kanilang disputed payables.