May ilang ahensiya ng gobyerno ang sinita na rin ng Commission on Audit (COA).
Isa dito ang pagbili ng mga overpriced na sanitary napkins ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon sa audit report ng COA na nabili umano ito sa isang construction and trading company na binili sa halagang P10-P30.00 kada isa na mabibili lamang ng hanggang P5.00- P8.00.
Kasamang nabili ng OWWA ang mga thermal scanners na ayon sa mga auditors ay hindi na makita pa ang binilhan sa Pasay City noong kanila itong puntahan.
Isa rin dito ay ang P300,000 ng mga pang-meryenda ng OWW sa isang caterer sa Quezon City na ang mga binili ay maaari naman mabili sa mga supermarket.
Magugunitang bukod sa OWWA ay nasita nila ang ilang ahensiya gaya sa Department of Health (DOH) at Technical Education Skills Development Authority (TESDA) dahil sa kuwestiyonableng mga pondo.
Paglilinaw rin ni COA chairperson Michael Aguinaldo na hindi nila sinisiraan ang gobyerno at sa halip ay ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na nakasaad sa saligang batas.