-- Advertisements --

Inirekomenda ngayong ng Commission on Audit na ikansela muna ang kontrata para sa pagtatayo sa Medical Plaza project ng PNP.

Maaalalang pumasok ang PNP sa isang kontrata kasama ang Mecel Construction and Electrical Inc. para sa naturang proyekto.

Ang buong proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit P557.86 million na sinimulang itinayo sa Camp Panopio, Cubao, Quezon City.

Batay sa naging rekomendasyon ng COA, nasa 15 percent lamang ang pinapayagang pagkaantala ng proyekto alinsunod sa umiiral na batas at umabot na ito sa 20%.

Sa inilabas na report ng COA para sa taong 2023, overdue na ang proyekto ng mahigit dalawang taon mula sa napagkasunduang petsa ng pagtatapos nito noong May 9 ng nakalipas na taon.

Ang naturang proyekto ay isang modern hospital para sa Philippine National Police na nasa ilalim pa ng nakalipas na administrasyon.

Pebrero ng taong ito ng matigil ang pagtatayo nito at umabot lamang sa 34 percent na kabuuang proyekto ang natapos.