Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) gumastos ng halos P5 bilyon para sa mga bagong polymer na salapi na inilunsad kamakailan ayon yan sa Commision on Audit.
Ayon sa ahensya, inaprubahan ng Monetary Board ang limang kontrata sa suplay sa ikaapat na quarter ng 2023 na nagkakahalaga ng P4.98 bilyon para sa produksyon ng mga bagong salapi sa ilalim ng New Generation Currency Series, kabilang ang mga denominasyon na P1,000; P500; P100; at P50.
Ang unang kontrata ay naipagkaloob noong Hulyo 13, 2023.
Ang isa pang kontrata ay ibinigay noong Setyembre 28, 2023.
Noong Oktubre 19, 2023, ang kontrata para sa mga supply ay nagkakahalaga ng P2.6 bilyon.
Parehong German company ay nakakuha ng isa pang kontrata noong Nobyembre 16, 2023, na may kabuuang halaga ng P3.718 bilyon para sa dalawang kontrata.
Kinumpirma naman ng BSP na hindi kasama sa bagong polymer banknotes ang mga larawan ng mga bayani ng Pilipinas.
Sa halip, tampok sa mga bagong bills ang mga katutubong hayop at halaman, tulad ng Philippine eagle at sampaguita flower sa P1,000 bill, Visayan spotted deer at isang endemic orchid sa P500 bill.
Ang mga bagong bills ay kasalukuyang available sa limitadong bilang sa Greater Manila area at inaasahang magiging available sa buong bansa pagsapit ng Enero ng susunod na taon.