Ipinagtanggol ng Commission on Audit (COA) ang inilabas nilang ulat sa P67.32 billion na kanilang kinukuwestiyon na pondong hindi nagamit ng Department of Health (DOH).
Sa pagharap sa House Committee on Public Accounts, sinabi ni COA chairperson Michael Aguinaldo na hindi tama na sabihin ng mga mambabatas na walang due process dahil nagkaroon sila ng malalimang pagpupulong bago ilabas ang ulat.
Binigyan din anila ang DOH ng hanggang Hunyo 30 na isimute ang mga dokumento subalit hindi nila ito nagawa kaya hindi aniya tama na wala silang pagkakataon na ibinigay sa nasabing ahensiya.
Samantala sa panig naman ni DOH Secretary Francisco Duque na ang ulat ng COA ay tila pagwarak sa imahe ng ahensiya.
Tinawag ng kalihim na hindi patas ang nasabing imbestigasyon ng COA.