Isiniwalat ng COA na mayroong mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya.
Sa 2022 audit nito sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM), sinabi ng COA na ang pag-iimbak at napapanahong pamamahagi ay naging pangunahing alalahanin sa nakalipas na dalawa hanggang walong taon.
Sa pagbanggit ng isang halimbawa, sinabi ng COA na ang Office of Civil Defense (OCD) ay mayroong iba’t ibang inventories na nagkakahalaga ng P37.104 milyon na binubuo ng sleeping kits, medical supplies, portable water filtration systems, tents, generator sets, portable toilet, at water pumps bukod sa iba pang mga item.
Ang mga item ay nanatiling hindi naipamahagi mula dalawa hanggang walong taon at, sa gayon, nalantad sa pag-aaksaya, o maling paggamit.
Binanggit nito na sa ilalim ng Seksyon IV ng Circular No. 2014-002 nito, ang mga naibigay na relief goods ay dapat ma-sort at sumailalim imbentaryo bago i-repack.
Dapat din umanong isagawa kaagad ang pamimigay ng mga donasyon, lalo na ang mga nabubulok na bagay o pagkain.
Ang isa pang isyu na itinuro ng COA ay ang hindi wastong pag-iimbak ng mga food and non-food items (NFIs).
Sa partikular, binanggit nito ang storage facility ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na matatagpuan sa Chapel Road, NAIA 2 sa Pasay City.
Inirerekomenda ng COA na agad na ayusin ng DSWD ang mga nasabing issue at ang storage facility para umayon sa storage standards upang maiwasan ang karagdagang pagkasira ng on-hand relief goods.