Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang ginawang paglilipat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng P160 milyon pondo mula central office patungo sa regional offices para sa anti-communist programs ng gobyerno.
Sa 2020 audit reporta na ang ikinaalarma ng COA ang paglilipat ng nasa P160,083,401 na para sa pag-implementa ng programa sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na itinaguyod sa ilalim ng Executive Order 70.
Ayon sa COA na ang paglilipat ng nasabing halaga ay walang legal na basehan o walang kaukulang guidelines kung paano magagamit ang nasabing pondo.
Hinikayat nila ang TESDA na magsumite ng legal na basehan para sa paglilipat ng pondo para maiwasang masampahan sila ng “technical malversation of public funds”.
Sa panig naman ng TESDA na ang ang nasabing P146 milyon ay inilabas para sa TESDA Scholarship Fund.