Magsasagawa ng malalimang pagsasala ang Commission on Audit (COA) sa transaction ng Department of Budget procurement service ng mga medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical company.
Sinabi ni COA Chairman Michael Aguinaldo na kabilang sa special audit ay kung galing ba sa pondo ng PS-DBM ang mga nabiling medical supplies sa nasabing kumpanya.
Dumiretso kasi sa kanilang bodega ang mga biniling mga gamit hindi gaya sa Deparment of Health (DOH) na agad na napupunta sa Office of the Civil Defense (OCD) sa iba’t-ibang pagamutan kapag bumibili ng mga supplies.
Layon aniya ng special audits kung napunta ba ang mga gamit sa DOH at sa OCD.
Isa ang COA chairman na naimbitahan ng Senate blue ribbon na nagsasagawa ng imbestigasyon sa maanomalyang pagbili umano ng gobyerno ng mga medical supplies sa Pharmally.