Naungkat sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public accountability ang paggastos ng nasa P16 million para sa safehouse rentals sa loob lamang ng 11 araw nuong 4th quarter ng 2022.
At kaparehong halaga na P16 million ang nagastos para naman sa 1st quarter nuong 2023 sa loob lamang ng mahigit 50 araw at sa second quarter ay nasa P16 million din ang nasagastos sa loob ng 66 days.
Ang nasabing pondo ay ginamit para sa pag renta ng mga safe house.
Dahil dito, napiga ang COA kung bakit hindi nila inalam ang detalye sa mga naging gastos lalo at hindi rin masabi ng COA kung anong klase ng mga facility ang nirentahan.
Napansin ni Manila Rep. Ernesto Dionisio na parehong halaga ang nagastos subalit magkaiba lamang ang araw.
Inihayag naman ni Camora na medyo steep nga ang disbursement lalo at magkaiba ang araw.
Sa interpelasyon nina Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila Rep. Joel Chua at Rep. Romeo Acop kanilang tinanong kung ano ang naging basehan ng COA para suriin ang paggasta ng confidential funds.
Sagot naman ni Atty Gloria Camora, Commission on Audit Intelligence and Confidential Funds Audit Officer, na ang acknowledgement reciepts ang kanilang basehan sa pagsusuri ng nasabing pondo.
Tanong din ni Acop kung walang jurisdiction ang COA na alamin kung totoo o reasonable ang ginawang paggastos.
Sagot ng COA na naka depende sila sa mga isinumiteng acknowledgement reciepts.
Dahil isinusulong ng mga mambabatas na dapat baguhin na ang batas sa paggamit ng CIF.