-- Advertisements --
Nanawagan ang Commission on Audit sa Land Transportation Office (LTO) na kanilang tugunan ang kakulangan ng plaka ng mga sasakyan.
Base kasi sa ulat ng COA na mayroon pa ring mahigit na siyam na milyong plaka ng mga motorsiklo ang hindi pa nailalabas.
Bukod pa dito ang mahigit na 1.6 milyon na mga replacement plates sa mga sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit P763-M kung saan ang mga ito ay nabayaran na mula pa noong 2015.
Sinabi naman ng LTO na bumaba na ang nasabing backlog na mula sa dating mahigit na 13 milyon.
Isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang pagkakaroon ng problema sa bidding ng mga plaka noong 2014 na humantong pa sa kasuhan at pagkakaroon ng temporary restraining order.