Sang-ayon ang Commission on Audit (COA) na rebyuhin ang Joint Circular 2015-001 ng Confidential and Intelligence Funds (CIF).
Naungkat ang nasabing usapin sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong araw.
Sa nagdaang pagdinig ng komite nakita ang ilang mga gaps at pang-aabuso sa paggamit ng nasabing pondo.
Ayon kay House panel Chair Rep. Joel Chua kanilang nakita na mas mahigpit pa ang COA Circular No 97-002 sa cash incentives kaysa sa Joint Circular.
Sa interpelasyon ni Manila Rep. Ernesto Dionisio kay Atty. Gloria Camora, Commission on Audit Intelligence and Confidential Funds Audit Officer, hinggil sa paggamit ng confidential funds ng dating Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na ang ginamit ng COA para sa pagsusuri sa mga rentals ay mga acknowledgement reciepts.
Sinabi ni Camora ito ay nakapaloob sa isinumiteng accomplishment reports ng OVP.
Tinanong din ni Dionisio si Camora kung may gut feeling din ito na may mali sa mga regular na transaksiyon.
Tugon naman ni Camora na mayruon at binigyang-diin na dalawang taon pa lamang siya bilang auditor ng COA.
Binigyang-diin ni Dionisio na batay sa kaniyang obserbasyon na dapat mayruong bagong batas ng sa gayon makita at maprotektahan ang pondo ng bayan.
Para kay Ms Sofia Gemora, COA, Director ng National Government Audit Sector na dapat rebyuhin na ang nasabing Joint Circular.