-- Advertisements --

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Office of Civil Defense (OCD) dahil sa kuwestiyonableng mga biniling gamit at serbisyo.

Umaabot kasi sa P94.6 milyon ang nagastos ng OCD para sa mga goods and services gaya ng food, accomodation ng mga personnel na umaalalay sa COVID-19 testing sites, santion o decontaminations.

Ayon sa COA naibigay ang nasabing halaga sa 54 na mga suppliers ng walang anumang kontrata.

Lumabas din na walang dispositon forms na nakakabit sa mga disbursement vouchers para sa 19 suppliers.

Paliwanag naman ng OCD na ang kawalan minsan o ang pagkaantala ng mga pondo ay siyang nagiging balakid kaya agad nilang ibinibigay na ang kontrata.

Tiniyak din ng OCD na sila ay tutugon sa anumang rekomendasyo ng COA para matigil na ang nasabing mga maling gawain.