-- Advertisements --

Tiniyak ni appropriations committee vice chairperson at Marikina Representative Stella Luz Quimbo,na tatapusin ng Commission on Audit (COA) sa Kongreso ang pag liquidate sa P125 million confidential fund ng Office of the Vice President sa darating na November 15,2023.
Sa ngayon kasi nagpapatuloy pa ang pag-audit hinggil sa nasabing pondo.

Nilinaw din ni Quimbo na ang P125-million confidential fund na ibinigay sa Office of the Vice President (OVP) ng Office of the President (OP) ay ginastos sa loob ng 11 araw at hindi sa 19 na araw, batay sa impormasyon na ibinigay ng Commission on Audit (COA).

Ginawa ni Quimbo ang pagsisiwalat sa budget deliberation sa plenaryo para sa panukalang pondo ng COA para sa fiscal year 2024.

Batay sa ulat ng state auditor ang multimillion-peso confidential fund na ipinagkaloob sa opisina ni Vice President Sara Duterte para sa taon 2022 ng Office of the President ay obligado gastusin sa loob lamang ng 11 araw.

Sa intepelasyon kay Quimbo kaniyang sinabi na siya mismo ay nagulat sa lumabas na mga balita na sa loob ng 19 days nagastos ng OVP ang ibinigay na confidential fund.

Sinabi ni Quimbo, batay sa ulat ng COA na ang OVP ay nagsumite ng ulat ng pag liquidate noong January 2023 at naglabas ng audit observation memorandum o AOM noong Setyembre 18, 2023 ang mga state auditor.