-- Advertisements --

Pinakakalma ng national team head coach Chot Reyes ang mga players ng Gilas Pilipinas na wala pang dapat na ipagbunyi kahit dalawa na ang kanilang panalo sa nagpapatuloy na FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Ayon kay Reyes, hindi dapat maging kampante ang mga players kahit nagtala na sila ng big wins kontra powerhouse team China at kagabi  naman laban sa Iraq kaya’t pasok na ang Pilipinas sa quarterfinals.

Binigyang diin ng coach na mahalagang mapanatili ng koponan ang pagiging gutom bunsod na ang mas malalaking laban ay hindi pa nagaganap.

Maging ang laro mamayang alas-9:00 ng gabi kontra Qatar ay halos  wala na ring bearing.

Sa Group B kasi ang Team Pilipinas ang tanging walang talo kaya agad na itong pasok sa quarterfinals.

Sa kabila nito dapat na maging focus pa rin daw ang mga players dahil hindi pa naaabot ang kanilang tunay na misyon.

Magsisimula naman ang quarterfinal game ng Pilipinas sa Agosto 16.

Mas matindi na ang labanan sa puntong ito dahil pawang mga knockout games.

Samantala sa mga group standings, tulad sa Pilipinas sa Group B, ang bansang Iran ay meron na ring dalawang panalo at walang talo sa Group A.

Sa Group C naman malinis din ang record ng New Zealand.

Gayundin ang powerhouse team na Australia na may dalawa ring panalo.

Group Standings (as of August 11)

Group A
Iran 2-0
Jordan 2-0
Syria 0-2
India 0-2

Group B
Philippines 2-0
Iraq 1-1
China 1-1
Qatar 0-2

Group C
New Zealand 2-0
Lebanon 1-1
South Korea 1-1
Kazakhstan 0-2

Group D
Australia 2-0
Japan 1-1
Chinese-Taipei 1-1
Hong Kong 0-2

Source: fiba.com