-- Advertisements --
Pacquiao in LA training
Photos and article by Precilyn Silvestre-Melo – USA correspondent

LOS ANGELES – Tuloy- tuloy pa rin ang ensayo ni Sen. Many Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) sa Hills of Griffith Observatory training camp sa sa ilalim ni Hall of Famer coach Freddie Roach.

Kakaibang training umano ngayon ang ginagawa ng pambansang kamao.

Anim na linggo na lamang ang gagawing training camp ni Pacman sa halip na walong linggo.

Sa kabilang banda, ibinalik ni Roach ang pagsusuot ng chest protector matapos ang ilang taong pag-aalis nito dahil sa pag-ihi ng dugo.

pacquiao manny 2
Photo credit to Precilyn Silvestre-Melo – USA correspondent

Kung maaalala napaihi umano noon si Roach ng dugo pagkatapos ng mga ensayo.

Ayon kay Roach, sobrang lakas pa rin daw ang mga suntok ni Pacman na kanyang ipinapakita sa ngayon.

“I gave it up for a couple of years because I was tired of peeing blood when I got hit. But I’m going to wear it again. I can bring out a better Manny Pacquiao,” ani ni Roach.

Delikado umano si Keith Thurman (29-0, 22 KOs) dahil ayon kay Roach pinanood na nila ang mga huling laban ng American boxer at napansin nila na masyado itong bumagal kumpara sa Pinoy ring icon.

Taliwas daw ito kay Pacman na tila hindi naapektuhan ang lakas at liksi kahit edad na 40-anyos.

“I want to do my job the best I can. I think Manny really missed the body protector. He hit me in the stomach before, and he wasn’t hitting me as hard. He missed it. And it carries over to the fight. He wasn’t hitting his opponents as hard. That’s why I’m going to sacrifice my body,” pagtatapat pa ni Roach.

Pacquiao training1
Photo credit to Precilyn Silvestre-Melo – USA correspondent

Nakatakdang magharap sina Pacquiao at Thurman sa July 30 sa Nevada MGM Grand sa Las Vegas.

Inaasahang kakaibang Pacquiao umano ang makikita ng mga fans na dapat umanong ipag-alala ng mas bata at undefeated na si Thurman.

Pacquiao exercise
Photo credit to Precilyn Silvestre-Melo – USA correspondent