-- Advertisements --
stephen curry kevin durant @warriors
Warriors Kevin Durant and Stephen Curry (photo from @warriors)

Labis ang pagbilib ng coaching staff at mga teammates sa Golden State Warriors sa “big performance” ni Kevin Durant nang dalhin ang team sa panalo sa Game 6 laban sa Los Angeles Clippers sa NBA playoffs.

Umiskor kasi ng 50 points si Durant at ang kanyang 38 points sa first half pa lamang ay record breaking na.

Ayon kay Warriors head coach Steve Kerr, ang nakita niyang laro kay Durant ay isa raw “great performances” na kanyang nakita.

Binansagan tuloy ng coach si Durant bilang “ultimate weapon” dahil napakahirap itong depensahan ng kalaban.

“That was one of the great performances I’ve ever seen in my life,” ani coach Kerr na dati ring NBA player. “He’s the ultimate weapon because there’s no defense for Kevin.”

Sa naturang game si Stephen Curry ay nagtala ng 24 points habang ang matindi rin sa 3-point area na si Klay Thompson ay inalat.

Para naman kay Durant, dapat sana ay higit pa sa 50 points ang kanyang nagawa subalit sumablay pa siya sa ilang magagandang tira.

“I scored 50 points but I missed some good shots,” wika pa ni Durant na meron ding 10 sa free throws at apat na 3-pointers. “I thought I could have made a few more.”

Ang next game ng Warriors ay kaabang abang dahil rematch ang mangyayari sa muling paghaharap nila ng Houston Rockets ng grupo ni James Harden sa second round ng NBA playoffs simula sa Lunes.