-- Advertisements --

Ipinagmamalaki pa rin ng coach Will Gregorak si Filipino-American Asa Miller khait na hindi ito nagtagumpay sa giant slalom event nitong Linggo sa nagpapatuloy na Beijing Winter Olympics.

Bigla kasi nakaranas ng aberya ang nag-iisang pambato ng bansa sa nasabing torneo kaya hindi nito natapos ang torneo.

Dahil sa pagkadismaya ay agad itong bumalik sa Olympic village kasama ang 33 skiers na nabigo sa unang torneo.

Ayon pa kay Gregorak na nananatili pa rin ang tiwala niya na magtatagumpay na ito sa slalom event na kaniyang sasalihan sa Pebrero 16.

Nagwagi kasi sa nasabing torneo si Marco Odermatt ng Switzerland.