-- Advertisements --

Hindi rin napigilan ng head coach ng Miami Heat na si Erik Spoelstra na maglabas din ng sama ng loob sa mga insidente ng hate crimes sa Estados Unidos lalo na sa ilang mga Asyano.

Si Spoelstra ay ang tanging Asian American coach sa NBA, at para sa kanya ay proud siya na may dugong Pinoy.

Ang ina kasi ni Spoelstra ay nagmula sa Quezon province.

Erik Spoelstra
Filipino American Heat coach Erik Spoelstra

Naniniwala si Spoelstra na may kinalaman sa racism ang nangyaring masaker sa estado ng Atlanta na ikinamatay ng walong katao.

Ayon pa kay Spoelstra, nadudurog ang kanyang puso na libu-libong mga biktima ng hate crimes sa Amerika ay taga-Asya at ang iba ay Filipino Americans.

“Look, I’m Asian-American. I’m proud to be Asian-American and seeing what’s happening with another outright form of racism and hatred really is sickening,” ani Spoelstra.