-- Advertisements --

Aminado ang kasalukuyang coach ng Gilas Pilipinas na si Coach Tim Cone na hindi maayos ang ipinakitang laro ng koponan matapos itong matalo ng magkakasunod sa mga nakaraang laban. 

Sa isang panayam, inihayag mismo ng naturang coach ng national team na nagkulang sila sa ibinigay na performance at sinabi pang hindi din naging maayos ang isinagawang depensa sa mga nagdaang laro. 

Matatandaan na dinanas ng Gilas Pilipinas ang masakit na pagkatalo buhat nang sila’y tambakan ng mga nakatapat na koponan ng New Zealand, Chinese Taipei, Lebanon at Egypt. 

Kaya naman, bagama’t sunud-sunod ang nasaksihang pagkatalo ng pambanasang koponan, positibo namang ibinahagi ni Coach Tim Cone na ang mga pagkatalong ito ay magsisilbing aral upang mas magpursigi sa mga susunod pang laban. 

‘We can use any excuse that we want, the bottom line we didn’t play well and we didn’t defend well,’ ani Coach Tim Cone ng Gilas Pilipinas (Philippines Men’s National Basketball team).

Samantala, pinagsisisihan naman ng naturang coach ng Gilas Pilipinas ang naging desisyon nito na paglaruin pa ng dire-diretso ang kanyang mga players na aniya’y isa sa mga rason kung bakit napagod ang mga ito at natamo ang ilang beses na pagkatalo. 

Kaugnay pa rito, tiniyak naman ni Coach Tim Cone na patuloy ang kanilang pag-a-adjust dahil sa hindi nila makakasama ngayong taon ang Gilas player na si Kai Sotto na may malaking maiambag sana upang tumaas ang tyansa na manalo ang koponan.