-- Advertisements --

Humingi nang paumanhin si coach Tim Cone sa mga fans sa nakakadismayang performance ng Barangay Ginebra sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Kung maalala nitong nakalipas na araw ay nabigo ang Gin King na umsuad sa palyoffs matapos na talunin sila ng Phoenix Super LPG sa play-in match.

Nagtapos ang defending champion na Gins sa 4-7 win-loss record.

Sa kanyang social media statement, inamin ni Cone ang nakakahiyang inabot ng team.
Inako rin nito ang kasalanan kung bakit naitsapuwersa ang koponan.

Tiniyak na lamang nito na hindi na ito mangyayari habang siya ang coach ng team.

“I can’t find the words to express our sorrow and embarrassment over our performance in the bubble. We didn’t live up to the Ginebra legacy, and that was totally my fault,” ani Cone. “I apologize to the Ginebra nation. All I can say is that it won’t happen again as long as I am the coach.”