-- Advertisements --

Kinumpirma ni Coach Tim Cone na tuloy pa rin ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa kabila ng unang napaulat na hindi muna maisasama sa lineup ang player na si Kai Sotto.

Kung saan, sinabi ng naturang head coach ng pambansang koponan na wala umano silang sasayanging oras sa kanilang mga inilatag na skedyul na laro.

Kasabay nito ang pag-amin ni Coach Tim Cone na magiging mahirap ang pagdadaanan ng Gilas dahil sa magkakasunod nitong mga skedyul ng paglipad sa iba’t-ibang bansa.

‘It will be really tough, it’s gonna be really hard to the players on the travel going to Doha and then go back in Manila and then back to Taiwan and then down to over to Hongkong,’ pahayag ni Coach Tim Cone ng Gilas Pilipinas.

Ngunit dagdag pa rito, ibinahagi din ni Coach Tim Cone na pinangangambahan niya umano ang posibilidad na baka kulangin din sila oras ng pag-eensayo sa pagsabak muli ng Gilas sa Fiba Asia Cup qualifiers.

Paliwanag niya, ang kanilang skedyul sa Agosto ay limang araw lamang na preparasyon bago ang mismong araw ng laro.

Samantala, nilinaw naman ng Gilas Pilipinas coach na patuloy pa rin niyang pinag-iisipan kung papaano ang magiging set-up ng koponan sa mga susunod na laro.

Ito ay sa kabila ng kanyang pagkalungkot nang ipamalita na hindi muna makakasama si Kai Sotto sa paglalaro dahil sa injury.