Bagaman hindi isinasantabi ni Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone ang lakas ng Team Jordan, naniniwala pa rin ang batikang coach na kakayanin nilang talunin ang Jordan.
Ayon kay Cone, ang Jordan ang isa sa pinakamalakas na koponan sa Asia kung ibabase sa kanilang mga naunang performance.
Tinambakan kasi ng Jordan ang team Thailand ng 34 big points habang umabot lamang sa 15 ang naging kalamangan ng Pilipinas kontra Thailand.
Kapareho rin ang nangyari sa naging laban sa pagitan ng Jordan at Bahrain.
Kung ito ang magiging basehan, ayon kay Cone, maaaring sabihin na hindi ito kakayanin ng Gilas.
Pero naniniwala ang batikang coach na gagawin ng lahat ng Gilas players ang kanilang makakaya upang pataubig ang Jordan.
Pangako ng head coach, magpapakita ang Gilas ng ‘big performance’ sa magiging laro ng dalawa.
Gaganapin mamayang 5:30 ng hapon ang laro sa pagitan ng dalawang koponan sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gymnasium.